Home Uncategorized 780 pasahero ng eroplano apektado sa sama ng panahon

780 pasahero ng eroplano apektado sa sama ng panahon

1
0

MANILA, Philippines – Nasa 780 pasahero ang apektado matapos makansela nitong Miyerkules, Agosto 19, ang limang flight dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap), ang mga kanseladong flight ay ang mga sumusunod:

Cebu Pacific Air

5J 472: Bacolod-Manila, 203 passengers
5J 192: Manila-Cauayan, 137 passengers
5J 193: Cauayan-Manila, 155 passengers
5J 508: Manila-Tuguegarao, 124 passengers
5J 509: Tuguegarao-Manila, 152 passengers.

Bukod sa mga kanseladong flight ay may lima pang flight ang apektado rin ng masamang panahon.

Kasama rito ang Central Airlines flight HLF9849 mula Zhuhai, China patungong Clark, Pampanga na nagkaroon ng missed approach sa pag-landing.

Ganito rin ang sitwasyon sa Jeju Air JJA2107 Seoul-Angeles, Philippine Airlines PAL111 Guam-Manila, Cebu Pacific Air 5J 384: Cagayan de Oro-Manila, at Air Philippines Corporation GAP2520: Cagayan de Oro-Manila. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here