Home NATIONWIDE Pahayag ni Castro sa mga guro, pinababawi ng solon; Kamara kikilos sa...

Pahayag ni Castro sa mga guro, pinababawi ng solon; Kamara kikilos sa school violence

1
0

MANILA, Philippines – Pinababawi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio kayUndersecretary Claire Castro ang paninisi niya sa mga guro kaugnay ng insidete ng pamamaril sa Zamboanga City.

Binigyang diin ni Tinio na dapat bawiin at humingi ng paumanhin si Atty. Castro sa lahat ng guro sa di-katanggap-tanggap at wala sa lugar na paninisi nito sa mga guro para pagtakpan diumano ang kabiguan ng administrasyong Marcos na pangalagaan ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at empleyado sa mga paaralan.

“She disrespects the hard work and dedication of teachers who fulfill their mission of educating and molding students day in and day out, often going above and beyond their call of duty despite inadequate pay, systemic neglect, and insufficient government support.”

Bukod dito ay iginiit pa ng mambabatas na ang mga ganitong pahayag ay hindi katanggap-tanggap.

“Her comments were unwarranted, gratuitous, and illogical – inexplicably lashing out at teachers when asked about the school shooting incident in Zamboanga. The alarming rise in such incidents is a complex issue involving insufficent school funding, lack of access to mental health services, and lax gun control, for which teachers must not be used as scapegoats. Huwag ibintang sa teachers ang mga kakulangan ng gubyerno.”

Umapela pa rin ang mambabatas na huwag isangkalan ang mga guro sa mga ganitong insidente.

“Tila may ibang pinanggagalingan ang banat niya sa mga guro. Dapat isantabi ang bagahe, huwag gawing punching bag ang mga guro, at huwag isingit sa sensitibong topic ng school violence. To the Presidential Spokesperson: irespeto mo ang mga pangalawang magulang ng ating mga anak. Mag-sorry ka sa kanila,” giit pa ni Tinio.

Samantala, pinanganunahan ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga kasabay ang pagtiyak na kikilos ang Malaking Kapulungan ng Kongreso upang maproteksyunan ang mga mag-aaral at maiwasan ang mga insidente ng karahasan sa mga paaraalan.

“Nakikiramay po tayo nang buong puso sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga batang nasawi sa trahedyang nangyari sa Ateneo de Zamboanga. Bilang ama at lolo, masakit isipin na may mga magulang na naghatid ng anak nila sa paaralan ngayong araw, pero hindi na nila ito makakasamang umuwi.”

Aniya, marapat lamang na maingatan ang mga kabataan na ngayon ay lantad sa iba’t ibang panganib sa kapaligiran kung kaya marapat aniya na mas maunawaan ito ng mga mambabatas, magulang at komunidad.

Giit pa ni Dy na “(children) are growing up in a world very different from the one we grew up in. They face influences and dangers that many of us did not have to deal with at their age. We owe it to them to understand that world better. Hindi puwedeng matapos ang tugon natin sa pakikiramay at panalangin. Kailangan nating maintindihan kung bakit at paano ito nangyari, kung ano ang maaaring nakapigil dito, at kung ano ang dapat nating baguhin para manatiling ligtas ang ating mga anak sa paaralan.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here