Home NATIONWIDE Madriaga pwedeng maging ‘star witness’ ng depensa sa impeachment trial – Duterte...

Madriaga pwedeng maging ‘star witness’ ng depensa sa impeachment trial – Duterte camp

14
0

MANILA, Philippines – Posibleng maging “star witness” ng depensa si Ramil Madriaga kung siya ay maipresenta sa impeachment trial, ayon sa legal counsel ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Agosto 19.

Sa press briefing, sinabi ni Atty. Paolo Panelo na si Madriaga ay kabilang sa witness list na ipinasa ng defense team ni Duterte kahit na may mga report na maaaring hindi na siya ipresenta ng prosekusyon.

“If the prosecution presents Ramil Madriaga, it’s their funeral kasi kakatayin yan sa cross-examination ng defense team,” ani Panelo.

Aniya, kampante ang depensa na masusubok nito ang testimonya ni Madriaga gamit ang mga ebidensya na nakalap para sa reklamong perjury na inihain laban sa kanya.

Naghain ang legal team ni Duterte ng ikalawang reklamong perjury laban kay Madriaga noong Lunes na nag-akusa ng paggawa nito ng mga maling pahayag sa kanyang supplemental affidavit.

Ani Panelo, hihiling ang kampo nila ng consolidation para sa una at ikalawang perjury complaints.

“We believe that Madriaga’s supplemental affidavit and all its lies will prove that the first one is perjurios,” sinabi ni Panelo.

Samantala, sinabi rin ni Panelo na ang posibleng desisyon ng prosekusyon na hindi na ipresenta si Madriaga ay hindi nangangahulugan na hindi na ito makakaharap.

“He can be called by the defense precisely for this reason,” ani Panelo.

“Pero ayaw naming siyang pigilan mag-testify. In fact, matagal ko nang sinasabi, na si Ramil Madriaga ang magiging star witness for the defense kapag nag-testify siya.”

Plano ring magbigay ng legal team sa impeachment defense ng kopya ng ikalawang perjury complaint at mga supporting evidence nito sa impeachment proceedings.

Kumukuha pa ang kanilang kampo ng karagdagang sertipikasyon at mga rekord na magsusuporta sa reklamo laban kay Madriaga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here