Home NATIONWIDE Subpoena vs DPWH, PRA sa Taguig flood control projects inilabas na –...

Subpoena vs DPWH, PRA sa Taguig flood control projects inilabas na – solon

1
0

MANILA, Philippines – Ipinalabas na ang Office of the Ombudsman ng mga subpoena sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mga rekord kaugnay ng mga illegal reclamation project sa bahagi ng Laguna Lake na sakop ng Taguig, sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules, Agosto 19.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nagpapatuloy ang fact-finding investigation ng Ombudsman, habang patuloy ang pagbibigay ng kanyang tanggapan ng karagdagang dokumento at update.

Nagsumite rin ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng mga drone image ng mga reclamation site.

“I believe nagpadala na ng subpoena ang Office of the Ombudsman sa DPWH duces tecum, kinukuha lahat na records sa Taguig. At ang PRA nagpadala na rin ng kanilang drone shots. Walong reclamation sites,” aniya sa isang panayam sa DZBB radio.

“May subpoena na pinalabas ang Ombudsman sa Land Registration Authority, Registry of Deeds ng Taguig, at sa DPWH, pati sa PRA. Lahat na documents kasi pinadala din namin ang 10 title numbers na nakuha namin so kailangan tingnan kung kanino nakatitulo ito. Yan ang subpoena na alam kong huling naipalabas ng Ombudsman, at least sa fact-finding nila para magkaroon ng basehan sa kanilang preliminary investigation,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na patuloy ang pagtulong niya at ng kanyang staff sa Ombudsman sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang mga dokumento, update at mga testigong lumapit sa kanila kaugnay ng imbestigasyon.

“Of course, Ombudsman ang ahensya na dapat tumugon. Tagatulong lang kami taga-supply ng documents and testigo na lumapit sa amin, pinadala namin sa kanila,” aniya.

Sinabi ni Lacson na sa ngayon ay saklaw ng imbestigasyon ang walong reclamation site. Isa rito ang natapos na, habang ang pitong iba pa—na nagsimula pa noong 2007—ay nagpapatuloy.

Dagdag niya, naghahanda ang PRA upang simulan ang forfeiture proceedings para sa tinatayang 85 ektaryang lupang sangkot sa illegal reclamation, na nakasalalay sa pag-apruba ng isang resolusyon ng kanilang board.

Batay sa pinakahuling datos na natanggap niya mula sa PRA, sinabi ni Lacson na hindi bababa sa 85 ektarya ang kabuuang lawak na sangkot.

Dagdag pa ni Lacson, maaaring lalong lumala ang kasalukuyang pagsisilt ng Laguna Lake dahil sa mga reclamation activity, lalo na kung isinagawa ang mga ito nang walang kinakailangang mga permit.

“Silted na nga ang Laguna Lake, tinambakan mo pa, ang hindi inabot ng tambak lalong masi-silt malalagyan ng lupa sa ilalim,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here