Home NATIONWIDE DepEd nangangailangan ng 48K counselor associates; 10K lang napondohan ngayong 2026- Angara

DepEd nangangailangan ng 48K counselor associates; 10K lang napondohan ngayong 2026- Angara

1
0

MANILA, Philippines – KAILANGANG mag-hire ng Department of Education (DepEd) ng 48,000 school counselor associates sa buong bansa.

Ito’y dahil sa kasalukuyang budget ngayong taon, tanging 10,000 posisyon lamang ang sakop nito.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang layunin ay magkaroon ng isang school counselor associate sa bawat eskuwelahan para palakasin ang mental health at psychosocial support para sa mga mag-aaral.

“We need to hire 48,000 student counselor associates, one for every school. But our budget for 2026 only covers 10,000,” ang sinabi ni Angara.

Ang pagha-hire ng karagdagang school counselor associates ay kasama sa mga hakbang ng DepEd sa pagsusulong ng serye ng school violence incidents, kabilang ang nangyaring shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University na nagresulta ng pagkasawi ng dalawang estudyante kabilang ang di umano’y shooter, at isa pang estudyante ang nasugatan.

Para sa 2026, ang DepEd ay mayroong ₱1.015-trillion budget, ayon sa budget breakdown ng departamento. Sa nasabing halaga, ₱705.79 bilyon ang nakalaan para sa suweldo at benepisayo ng guro at non-teaching personnel.

Kabilang sa alokasyon ang ₱471.06 bilyon para sa permanent positions, ₱1.74 bilyon para sa teaching overload honoraria, ₱4.82 bilyon para sa mga guro na nasa sa mahirap o remote assignments, at ₱53.94 bilyon para sa retirement at life insurance premiums.

Ani Angara, umaasa ang DepEd na makase-secure ng karagdagang pondo sa 2027 upang dahan-dahang mapunan ang natitirang school counselor positions.

Winika pa ng Kalihim na ang kakapusan ng professional guidance counselors ay bahagya lamang dahil sa minimum requirement para sa master’s degree, limitado sa kuwalipikadong aplikante.

“That’s why we are hiring 10,000 school counselor associates because we cannot hire enough guidance counselors, as guidance counselors are required to have a master’s degree,” ani Angara.

Inaasahan naman na ang counselor associates ay tutulong para matukoy ang warning signs sa hanay ng mga estudyante at makapagbigay ng suporta para sa mga makararanas ng paghihirap.

“Sometimes, all a child needs is someone to talk to, so they don’t feel that they have nowhere to go or no one to turn to,” ayon pa rin sa Kalihim.

Sinabi pa ni Angara na ang pagpopondo para sa natitirang posisyon ay nangangailangan ng ilang bilyong piso, sabay sabing ang pagha-hire ay maaring gawin ng utay-utay sa loob ng tatlo hanggang limang taon depende sa available resources.

Kinilala naman ni Angara na hindi lahat ng public schools ay mayroong security guards, tinukoy ang budget constraints.

Aniya, may ilang local government units, private organizations at parent-teacher groups ang makatutulong na makapagbigay ng seguridad sa mga eskuwelahan.

Para sa mas maliit na eskuwelahan na mayroong 100 estudyante o mas kaunti pa, ang mga barangay tanod ay maaaring tumulong na mag-patrol ng school entrances, partikular na sa pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante.

“Not all schools have them yet because DepEd really lacks the budget for this,” ang tinuran ni Angara.

Ani Angara, “DepEd is pursuing both physical security measures and mental health and psychosocial interventions to strengthen school safety.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here