MANILA, Philippines – May posibilidad na gawing araw-araw mula Lunes hanggang Linggo o magkaroon ng extension ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil lubha nang naantala sanhi ng pananalasa ng habagat bukod pa sa mahabang testimonya ng saksi.
Ganito ang pagtataya ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginal Tongol sa ginanap na online press conference dahil tatlong araw na walang paglilitis sanhi ng pananalasa ng habagat sa Metro Manila at karatig-bayan.
Bukod sa ulan, sinabi pa ni Tongol na nagpahaba din ng impeachment trial ang mahabang testimonya ng ilang saksi na halos umabot ng dalawang araw .
“So far parang mga two to three days pa lang yung medyo delayed tayo in terms of plotting natin ng number of days per witnesses… I think sixth witness pa lang tayo sa susunod, [pero] dapat mga nasa ninth or 10th witness na tayo out of the 27 witnesses,” ani Tongol sa press briefing.
Sinabi ni Tongol na mayroon ang impeachment court ng 31 trial days para sa examination ng testigo ng House panel sa impeachment article 1 o ang paglulustay ni Duterte sa confidential funds ng Office of the Vice President at bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Aniya, naglaan ang impeachment court ng 31 araw para sa presentasyon ng sakto na maaaring abutin lamang ng tig-iisang araw ngunit lumilitaw na umabot sa limang araw ang testimonya ng dalawang saksi pa lamang.
Bukod dito, sinalanta din ng ulan na dala na habagat ang Metro Manila ng ilang araw kaya sinuspinde ang paglilitis.
Dahil dito, sinabi ni Tongo na maaaring palawigin ang 31 araw ng testimonya ng saksi ng prosecution at puwedeng kainin ang araw na nakatakda para sa depensa at puwedeng magkaroon ng pagbabago sa araw ng paglilitis.
Aniya, isa sa posibilidad na mangyarin sa impeachment trial na gawin ito sa ibang araw ng linggo kaysa sa nakatakdang Lunes hanggang Huwebes pero nasa desisyon ito ng korte.
“Kung magkakatrial ba ng Thursday and Friday or Saturday and Sunday, of course, there is always a consideration… Malalaman natin yan kung ang SP at PO would rather opt to have extended days– parang mga makeup days– or we’ll continue on and just extend it at the end giit ni Tongol.
Nilinaw din niya na hindi magkakaaroon ng extension kung babawiin ang ilang testigo. Ernie Reyes