Manila, Philippines – Nag-tie bilang Best Actress sina Pokwang at Ruby Ruiz sa katatapos lang na Cinemalaya Film Festival 2026 awards night.
Nanalo si Pokey para sa pelikulang “2 Valid IDs” habang si Ruby naman ay para sa Status: Rejected.
Samo’t sari naman ang reax ng netizens sa pagkaka-tie ng dalawa.
Itinanghal namang Best Actor si Martin del Rosario para sa kanyang pagganap bilang bading sa Tayo Lang Ang Nakakaalam.
Nagwaging Best Supporting Actress si Bituin Escalante para sa “A.Ni.Mal.” habang nag-tie rin sa Best Supporting Actor category ang mga child actor na sina Lucas Andalio para sa Mag-iina at KD Omalin para sa Hand of God.
Naiuwi naman ng cast ng Tayo Lang Ang Nakakaalam. nina Martin, Miguel Odron, Yayo Aguila at Jeffrey Quizon ang Best Ensemble Performance award.
Hinakot naman ng pelikulang Mag-iina ang anim na Balanghai trophy kabilang na ang Best Feature-Length Film at Best Director para kay Giancarlo Abrahan.
Ang Mag-iina rin ang nakakuha ng Best Screenplay para kay Guelan Varela Luarca, at Best Musical Score.
Naiuwi naman ng Tayo Lang Ang Nakakaalam ang Best Cinematography, Best Production Design, at Best Sound. Rommel Placente