Home METRO Higit 190K residente sa MIMAROPA, hagip ni Neneng, Habagat

Higit 190K residente sa MIMAROPA, hagip ni Neneng, Habagat

5
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 41,658 pamilya o 190,990 residente mula sa 236 barangay sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon at Palawan ang naapektuhan ng Habagat at Tropical Depression Neneng.

Batay sa ulat ng DSWD-MIMAROPA, hanggang 3 a.m. noong Miyerkules, patuloy ang pag-ulan at pagbaha kaya mas maraming residente ang lumikas sa mas ligtas na lugar.

40 pamilya o 127 katao ang nasa apat na evacuation centers, habang 80 pamilya o 286 katao naman ang pansamantalang nakikituloy sa mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Samantala, 299 bahay ang napinsala. Sa mga ito, 27 ang tuluyang nawasak at 272 ang bahagyang nasira.

Sinabi ng DSWD na mayroon pa itong P171.07 milyon na pondo at food resources para sa disaster response. Kabilang dito ang P2.96 milyon na Quick Response Fund at P168.10 milyon na halaga ng pagkain at iba pang relief items.

Patuloy ang assessment at validation ng DSWD sa mga apektadong komunidad upang matukoy ang pangangailangan ng mga residente at maibigay ang nararapat na tulong.

Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang palakasin ang relief at iba pang response operations habang nagpapatuloy ang ulan at pagbaha. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here