Home NATIONWIDE Ulan sa Metro Manila, lumampas na sa 100% ng buwanang average

Ulan sa Metro Manila, lumampas na sa 100% ng buwanang average

2
0

MANILA, Philippines – Lumampas na sa 100% ng karaniwang buwanang rainfall para sa Agosto ang naitalang ulan sa Metro Manila dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Chris Perez, halos kalahati pa lang ng linggong ito ay malaki na ang naidagdag sa rainfall ng Quezon City kumpara sa normal na dami ng ulan sa buong buwan ng Agosto.

Noong Agosto 17, nakapagtala ang PAGASA Science Garden Station sa Quezon City ng 201.7 millimeters ng ulan sa loob lamang ng limang oras, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Bagama’t hindi palaging malakas ang ulan nitong mga nakaraang linggo, ang tuloy-tuloy na pag-ulan ay nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog, pag-ipon ng tubig at pagbaha sa mga mabababang lugar.

Tatlong bagyo ang nakapagpalakas sa Habagat. Gayunman, inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Neneng at humihina na rin ang epekto ng iba pang weather systems.

Sa mga susunod na araw, sinabi ng PAGASA na makakaranas pa rin ng maulap na panahon at pabugso-bugsong pag-ulan ang Metro Manila at kanlurang bahagi ng Luzon, ngunit mas mahina na kumpara sa mga nakaraang araw. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here