Home NATIONWIDE Pagbawi ni Guteza sa naunang pahayag vs Romualdez, pagtatangka ng destabilisasyon –...

Pagbawi ni Guteza sa naunang pahayag vs Romualdez, pagtatangka ng destabilisasyon – Malakanyang

7
0

MANILA, Philippines – Kung Malakanyang lang ang tatanungin, pagtatangka na gumawa ng pekeng kuwento para sirain ang gustong sirain at destabilisasyon ang magiging implikasyon ng ginawang pagbawi ni Orly Guteza, isang dating sundalo at dating security aide ng dating mambabatas na si Zaldy Co, sa kaniyang naunang pahayag na naghatid siya ng mga maleta na puno ng pera kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na “Kung Palasyo ang tatanungin ninyo, ang nakikita natin na implication ay  maraming nag-aattempt gumawa ng pekeng kuwento para sirain, kung sino man iyong gusto nilang sirain. At maaaring, isa sa mga reasons nito ay destabilization.”

Ani Castro, hindi lamang aniya nababanggit na mayrong mga taong nagmamanipula para maging false witness at ang alok ay pera.

Kaya nga aniya, sinabi ni Castro na medyo nakakabahala ang ginawang ito ni Guteza, dahil sisirain nito ang justice system at kung ano ang paniniwala ng mga mamamayang filipino dahil mas maraming papalutangin na maling impormasyon, fake news, false information na makakaapekto sa katotohanan.

“So iyon ang implikasyon ng mga paggawa ng mga kuwento, gamit ang mga  false witnesses at pagpaplanta ng ebidensya.So, hindi po dapat ito manaig lalung-lalo na ngayon sa panahon ni Pangulong Marcos Jr., hindi po kasi iyan ang direksiyon na gusto ang Pangulo, ang gusto ng Pangulo, due process, batas, ebidensya,” anito pa rin.

At para aniya tuldukan ang nakakabahalang senaryo o mga ganitong pananalita ay sinabi ni Castro na mandato na aniya ng mga investigating bodies ang bagay na ito.

“Ngayong may umamin at may nagsabi na siya ay ginamit lamang para magkuwento ng mali sa isang tao, dapat ito maimbestigahan kung sino ang dapat na sampahan ng kaso, sampahan ng kaso. Kung sino iyong mastermind sa pagpapagawa ng ganitong klaseng mga scenario, sampahan ng kaso,” aniya pa rin.

Subalit, nasa kamay na aniya ito ng Ombudsman, DOJ at ng iba pang investigating bodies ng gobyerno.

“So, mandato po nila ito lalung-lalo na nakita natin, pero muli, ang gusto lamang  din po ng Pangulo dapat ang kuwento ay totoo. So, kailangan din po na maimbestigahan kung ako iyong sinabi ni Mr. Guteza, para ma-verify kung sinabi niya ngayon, after  siyang mag-recant ay  may katotohanan. So dapat po ma-check, mabalanse lahat,” ang pahayag ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here