Home NATIONWIDE Lacson di nagtaka sa pagbawi ni Guteza sa testimonya: ‘Coached witness siya’

Lacson di nagtaka sa pagbawi ni Guteza sa testimonya: ‘Coached witness siya’

1
0

MANILA, Philippines – Hindi nakapagtataka ang pagbawi ni ex-Marine Orly Guteza sa kanyang mga pahayag hinggil sa paghahatid ng pera kay dating Speaker Martin Romualdez, dahil na-identify na siya bilang isang “coached” witness sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang taon, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes.

Ayon kay Lacson, inaasahan na ang pagbawi ni Guteza sa kanyang mga pahayag matapos siyang i-“coach” ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig noong Setyembre 23—at matapos ding bumaliktad ang ilan sa mga “Maleta boys.”

“Since on record naman sa hearing ng Blue Ribbon Committee na coached witness ni Sen. Marcoleta si Guteza at naka-live pa nga, hindi na surprising na babaliktad siya balang araw,” aniya.

“Naging ‘one dime a dozen’ na ang baliktaran ng testimonya ng mga ‘Maleta boys’ kaya hindi na rin surprising na ang original ‘Maleta Boy’ a.k.a. Basura na si Orly Guteza ay bumaliktad na rin,” dagdag niya.

Ani Lacson, ang kaso ni Guteza at ng iba pang “Maleta boys” ay tila nagpapakita ng pagtatangkang kumita nang personal mula sa kanilang diumano’y pagkakasangkot sa flood control scandal.

“Sa lingguahe ng mga mandurugas, ‘lagareng hapon’ yata ang tawag nila diyan – doble-kita, or 40-40 vision,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Lacson na sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na kanyang pinamunuan, napansin na kino-coach ni Marcoleta si Guteza sa pamamagitan ng pag-uudyok dito kung ano ang dapat sabihin sa kanyang affidavit.

Binanggit din ni Lacson ang Senate CCTV records na nagpapakitang nagtungo si Guteza sa tanggapan ni Marcoleta at nanatili roon nang kalahating oras bago humarap sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Matapos ang matagal na pagkawala sa publiko, muling lumitaw si Guteza at binawi ang kanyang mga pahayag, at sinabing sina Marcoleta at dating Rep. Michael Defensor ang nagpasaksi sa kanya kapalit ng pera at scholarship para sa kanyang mga anak.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here