Manila, Philippines – Nagbahagi ng mga plaque para sa mga recipient ng The Gawad Rosa Rosal Award ang TV host na si Toni Rose Gayda, anak ng beteranang aktres na si Rosa Rosal.
Sa katatapos lamang na awarding ceremony, isa sa mga pinagkalooban ng parangal ang aktres, entrepreneur, at philanthropist na si Ms. Cecille Bravo, na kilala sa kanyang malasakit at pagtulong sa kapwa.
Ayon kay Toni Rose, tatlong taon na niyang kilala si Cecille at masasabi niyang consistent ito sa paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba.
Ani Toni, “Gusto ko lang pong ipaalam, I’ve known Cecille for the past three years, at consistent po siya. Siya po ay nasa Hall of Fame na. She has been a recipient of The Gawad Rosa Rosal Award.
“Isa po siyang entrepreneur na magaling, isa po siyang philanthropist, at higit po sa lahat, isa po siyang taong napakalaki ng puso. Talagang may ginintuang puso, and I could very well attest to that.
“Cecille, thanks so much. If my mom were looking down right now, she would say, ‘Cecille, job well done, and I love you.’ Thank you, sis. This is for you.”
Samantala, nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Ms. Cecille Bravo, lady boss ng Intele Builders and Development Corporation, para sa natanggap na pagkilala.
Para kay Cecille, ang parangal ay isang lifetime achievement na malaking karangalan para sa kanya.
Umaasa rin siyang magsisilbi itong inspirasyon upang mas marami pang tao ang mahikayat na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa.
Aniya, “I’m so thankful at ito ay lifetime achievement award na, and as always, grateful na nabibigyan ng recognition. Kahit na mga maliliit na bagay ang nagagawa ko ay napapalaki, and hopefully ay nai-inspire ang iba.”
Sa pamamagitan ng The Gawad Rosa Rosal Award, patuloy na binibigyang-pugay ang mga indibidwal na may malaking ambag sa pagtulong sa kapwa at sa kanilang komunidad—isang adhikain na malapit sa puso ni Rosa Rosal. Mercy Lejarde