Home METRO Direktor, himas-rehas sa child abuse

Direktor, himas-rehas sa child abuse

1
0

LAGUNA — Arestado ang isang 42-anyos na film director sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa dalawang kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kinilala lamang ng pulisya ang suspek sa alyas na “Direk Erol,” residente ng Quezon City.

Ayon sa pulisya, inaresto siya bandang alas-8:55 ng umaga noong Agosto 15 sa loob ng isang mall sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City.

Isinagawa ang operasyon ng Laguna Special Operations Unit, provincial intelligence team at Sta. Rosa City police sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Hulyo 8, 2025 ni Quezon City Regional Trial Court Branch 58 Judge Fernando Tolosa Sagun.

Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(b) ng RA 7610, na tumutukoy sa sexual abuse o lascivious conduct laban sa batang saklaw ng naturang batas.

Nagtakda ang korte ng P180,000 piyansa sa bawat kaso.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Sta. Rosa City Police habang hinihintay ang susunod na proseso ng korte.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng suspek kaugnay ng mga kasong kinakaharap niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here