Home HOME BANNER STORY 1K pamilya isolated sa lahar, bumagsak na tulay sa Zambales

1K pamilya isolated sa lahar, bumagsak na tulay sa Zambales

1
0

MANILA, Philippines – Isolated ang nasa 1,000 pamilya kabilang ang indigenous people sa Barangay Santa Fe sa San Marcelino, Zambales, matapos masira ng tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa Habagat ang kanilang tulay at pagdaloy ng lahar sa komunidad.

Sa ulat, rumagasa ang lahar mula sa Bulkang Pinatubo matapos na umapaw ang dike dahil sa malalakas na pag-ulan.

Mayroong 10 tirahan ang nasira, habang 22 ang nagtamo ng partial damage.

“‘Yung pagtabon doon sa bahay nila [ay] gradual, hindi naman ‘yung abrupt. Gradual, habang lumalakas, tapon nang tapon ‘yung lahar… Kaya nakakalikas naman ‘yung lahat,” sinabi ni San Marcelino Mayor Elvis Ragadio Soria.

Nasira din ang tulay sa lugar dahilan para maistranded ang ilang pamilya at mga residente.

Nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng tatlong araw na suplay ng pagkain sa mga apektadong residente.

Ayon sa San Marcelino local government unit, kung gaganda na ang panahn ay magtatayo ito ng tulay na kahoy para sa mga pedestrian at pansamantalang steel bridge sa mga tricycle.

“Halimbawa, may dumating na mga food packs, ilalagay natin doon sa may Barangay Hall tapos ‘yung pagtawid ng mga tao. Siyempre, ‘yung pagtawid ng mga tao, nasasaktan din [dahil] may mga bato,” ani Soria.

“Siyempre, ang pinaka-permanent diyan, gagawa tayo ng tulay, another tulay. Pero hindi na kagaya nung dati na medyo mababa, itataas na lang ngayon para magkaroon pa rin ng access doon sa old Santa Fe to the new Santa Fe,” dagdag pa niya.

Sa rekord ng LGU ay umabot sa P2.5 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa San Marcelino.

Umabot naman sa P10 milyon ang halaga ng pinsala sa mga tirahan.

Wala namang nasawi o nasaktan sa epekto ng Habagat sa nasabing bayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here