Home METRO 15-anyos lalaki, arestado sa banta ng pamamaril, pagpapasabog sa mga paaralan sa...

15-anyos lalaki, arestado sa banta ng pamamaril, pagpapasabog sa mga paaralan sa Bukidnon

1
0

BUKIDNON, Philippines – Arestado ang isang 15-anyos na lalaki na pinaghihinalaang nagpakalat sa social media ng mga banta ng pamamaril at paggamit ng granada laban sa mga pampubliko at pribadong secondary school sa Valencia City, Bukidnon.

Ayon kay dating Mayor Jose Galario Jr., na tagapagsalita ngayon ng lokal na pamahalaan, nasa kustodiya na ng pulisya ang menor de edad.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon at search operation ang Valencia City Police Station, sa pangunguna ni Police Lt. Col. Brian Panganiban, kasama ang mga local peacekeeping forces, matapos kumalat ang online threats at mga viral video ng mararahas na sagutan at suntukan ng mga estudyante malapit sa ilang paaralan.

Sinabi ni Panganiban na nadakip ang menor de edad matapos ang operasyon. Nakipag-ugnayan din ang City Social Welfare and Development Office upang matiyak na naaayon sa batas at karapatan ng bata ang gagawing intervention at disciplinary measures.

Patuloy namang tinutunton ng mga awtoridad ang iba pang indibidwal na nakita sa mga video mula sa mga kalapit na barangay.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang mahigpit na monitoring, pakikipagtulungan ng komunidad at pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad upang maiwasan ang karahasan at mapanatiling ligtas ang mga paaralan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here