Home NATIONWIDE Lubak lubak na kalsada sa MM, inayos ng DPWH

Lubak lubak na kalsada sa MM, inayos ng DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkukumpuni ng mga lubak sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila habang maganda ang panahon.

Isinasagawa ang mga repair bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad ayusin ang mga kalsadang nasira dahil sa mga nakaraang malalakas na pag-ulan.

Kabilang sa mga inaayos ang mga bahagi ng E. Rodriguez Jr. Avenue, Luzon Avenue Flyover, Mindanao Avenue, Quezon Avenue Bridge at EDSA-Santolan Flyover northbound sa Quezon City; Macapagal Boulevard, Roxas Boulevard at Spine Road sa Pasay City; Taft Avenue at Plaza Cervantes sa Binondo, Manila; M.H. Del Pilar Street sa Malabon; C5-Kalayaan Avenue sa Taguig City; at MacArthur Highway sa Valenzuela.

Patuloy namang inaayos ng DPWH ang mga kalsadang naapektuhan ng matinding pag-ulan upang mapabuti ang kaligtasan at daloy ng trapiko sa Metro Manila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here