VALENZUELA CITY, Philippines – Arestado ang 28-anyos na bebot na sangkot umano sa droga nang maaktuhan naglalaro umano ilegal na sugal kasama ng dalawang iba pa sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Mahaharap sa kasong paglabag PD 1602 (Illegal Gambling Lawe) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Lyn”, ng Brgy. Dalandanan.
Sa ulat ni SDEU investigator P/MSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ operation ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 nang maaktuhan nila ang suspek, kasama ang 35-anyos na kelot at 38-anyos na bebot na nagsusugal umano ng ‘Lucky 9’ sa loob ng isang bahay sa Esteban St., Tiwala, Brgy., Dalandanan alas-6:45 ng gabi.
Kaagad silang nilapitan nina PCpl Renz Marion Manalad at PSSg Andrei Flavin sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nasamsam sa kanila ang P300 bet money, playing cards at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay ‘Lyn”. (Merly Duero)