Home OPINION MGA KORAP SA KAMARA PATATAWARIN BA?

MGA KORAP SA KAMARA PATATAWARIN BA?

9
0

SINUSUBAYBAYAN natin ang mga kaduda-dudang kilos ng mga kongresman sa pagbuo ng mga taunang badyet mismo ng Kamara.

Batay ito sa kwento ni Navotas Congressman Toby Tiangco na may lakas ng loob na makipagtuos ukol dito sa kung kanino sa Kamara, partikular kay House Appropriations Chairman Mikaela Angela Suansing.

Sa mga ulat, noong 2025, may kabuuang badyet ang Kamara na P33.67 bilyon o P47.6B habang ngayong 2026, may P27.2-P27.7B.

Noong 2025, ayon kay Tiangco, may P16B kabuuang badyet batay sa National Expenditure Program mula sa Palasyo at Department of Budget Management pero dinagdagan ito ng mga kongresman ng nasa P13B kaya naging P33B.

Ngayong 2026, nasa P16B pa rin ngunit dinagdagan ng nasa P10B kaya naging P26B.

Sa kabuuan, para sa sahod ng mga kongresman at staff nila at ilang programa at Maintenance and Other Operating Expenses ang iba.

Kung iisipin, oks lang ang mga normal na gastos para sa sahod at iba pa pero nakadududa ang MOOE.

Akalain ba nating noong 2025, inilagak para sa MOOE ang nasa P13B at ngayong taon, P18.58B.

Kaduda-duda dahil sertipikasyon lang ng mga kongresman na nagastos ang kani-kanilang mga MOOE ang kailangan at wala kahit anomang resibong hinihingi sa kanila.

Ngayong 2027, humiling umano ang Kamara ng P17.6B at magkano na naman kaya ang idaragdag dito?

Nagtatanong si Tiangco dahil ayaw nina Suansing na daraan sa preliminary deliberation sa Committee on Appropriations na talakayin ito kundi mismo sa plenaryo na at hindi na makalalahok dito ang mga mamamayan.

Ayon mismo sa mga kongresman, kasama si Batangas Rep. Leandro Legarda-Leviste, binabalutan ng korapsyon ang MOOE.

Kung idagdag dito ang sinasabi ni ex-Cong. Mike Defensor na umaabot na sa P2B bawat kongresman ang pork barrel at hindi na lang P70 milyon taon-taon noong panahon niya, grabe talaga ng korapsyon ng mga kongresman.

Sino ang magpapatawad sa mga “Kong” dahil hindi nila alam ang ginagawa???

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here