KAAWA-AWA ang gobernador na kapanayam ni Ted Failon sa kanyang programa. Matalim ang mga tanong ni Sir Ted. At halatang nililihis ni Gob ang usapan. Parang gusto na niya magpaalam sa ere .
Ang mga taga-Bulacan ang isa sa mga biktima ng matinding baha pero mahigit P41 billion daw ang ginastos para sa flood control projects. Bakit ganoon Gob? “Wala akong alam sa flood control na yan.” depensa ni Gob.
Mahirap paniwalaan na walang alam ang gobernador. Wala kahit isa ba sa elected officials ng Bulacan mula kagawad hanggang vice governor at daan daang kawani ng gobyerno at mga lider politikal ni Governor ay wala ni isang nakapagsabi sa kanya tungkol sa flood control sa lalawigan niya?
Wala kagit isang tao ang nakapagsabi sa kanya? Kailangan pa ba ng executive order para masabi sa kanya?
Ang ibig sabihin ba ni Gob na wala siyang alam sa flood control ay wala siyang kinita sa billion billion na kickback sa flood control scam?
Marahil ay ganoon nga dahil in fairness kay Gob ay wala naman sa mga testigong
taga Department of Public Works and Highways ang nagsabi na isa si Gob sa kumita sa flood control scam.
Iba ang walang alam sa pinabayaan na lang. Iba ang walang alam sa hindi talaga inalam at iba ang walang alam sa nagmamaangmaangan.
Pero pare- pareho ang mga ganyang opisyal na pabaya sa kanyang tungkulin sa bayan. Sayang ang tiwala ng taumbayan.






