MANILA, Philippines – Napanatili ng Bagyong Saudel ang lakas na taglay nito habang nasa Philippine Sea sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Saudel sa layong 1,775 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ito ay kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility taglay ang lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 205 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Inaasahang magpapatuloy ang direksyon ng Bagyong Saudel sa susunod na tatlong araw bago kumilos pa-kanluran sa nalalabing bahagi ng mga panahon.
Papasok ang bagyo sa PAR ngayong araw at bibigyan ng pangalang Obet.
Maaaring lumakas pa bilang Super Typhoon ang bagyo.
Sa kasalukuyan ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa. RNT/JGC