MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tourism Secretary Dita Angara-Mathay bilang vice chair for operations of the Asean National Organizing Council (NOC) para palakasin ang paghahanda para sa pagho-host ng Piipinas sa 49th Asean Summit Meetings sa Nobyembre.
Itinakda ng Pangulo ang bagong papel ni Mathay sa Administrative Order No. 48, inilabas noong Agosto 13, subalit in-upload lamang ito sa Official Gazette website nito lamang Agosto 19.
Bilang vice chair for operations, tutulungan ni Mathay ang chair, kasalukuyang hawak ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pagbibigay ng strategic direction at operational oversight ng mga paghahanda preparations para sa pagho-host ng Pilipinas Asean Summit Meetings.
Gagamitin niya ang pagho-host ng Pilipinas sa Asean Summit Meetings “to showcase the country’s culture, hospitality, and tourism assets, enhance the Philippines’ image within the international community, and reinforce its position as a preferred tourist destination.”
Sa kabilang dako, sa ulat, nakasaad sa utos na ang NOC Executive Committee, sa pamumuno ng Office of the Director-General for Operations, pati na ang iba pang mga NOC Committees, ay direktang mag-uulat sa Vice-Chairperson for Operations.Una nang binuo ang ASEAN-NOC sa pamamagitan ng AO No. 17 (s. 2024) upang pangasiwaan ang pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga programa at aktibidad para sa ASEAN 2026. Sa lumang utos, naatasan na ang DOT na pamunuan ang Committee on Tourism, Hospitality, Tours, Events and Site Enhancement.
Ibinase rin ang hakbang na ito sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 9593 o angTourism Act of 2009, kung saan kinikilala ang turismo bilang isang mahalagang bahagi ng pambansang ekonomiya at isang industriyang may pambansang kahalagahan.
Binigyang-diin sa AO 48 na ang pagpapatuloy ng Pilipinas bilang host ng ASEAN Summit 2026 ay isang malaking pagkakataon upang maipakita ang kakayahan ng bansa sa matagumpay na pag-oorganisa ng mga malalaking kaganapang internasyonal.
Samantala, ang 49th Asean Summit ay nakatakda sa Nobyembre 10 hanggang 12 sa iba’t ibang venue Metro Manila, pangunahin na sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Magsasama-sama sa high-level meeting ang mga lider ng 11-member bloc at external dialogue partners.
“The government has allocated a total of P22.9 billion across two fiscal years for the Asean events: P5.4 billion, drawn from the 2025 national budget, for initial preparations; and P17.5 billion, under this year’s budget, for the pre-summit, ministerial-level and main summit meetings, as well as related activities,” ayon pa rin sa ulat. KRIS JOSE