Home IN PHOTOS 500 TODA members, handa na para sa 10-day TUPAD

500 TODA members, handa na para sa 10-day TUPAD

1
0

Isinagawa ang TUPAD Orientation para sa halos 500 na miyembro ng iba’t ibang TODA sa Las Piñas City bilang paghahanda sa 10 na araw na trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng P755 kada araw sa loob ng 10 araw, o kabuuang P7,550, kapalit ng kanilang serbisyo sa mga gawaing itinalaga sa ilalim ng programa.

Dumalo sa orientation sina Mayor April Aguilar, PESO Head Red Garcia at DOLE Muntaparlas Director Jeremiah Carlos, na nagbigay ng mahahalagang paalala at gabay sa mga benepisyaryo bago magsimula ang kanilang trabaho.

Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga programang nagbibigay ng agaran at dagdag na suporta sa mga manggagawa at kanilang pamilya. (Eric Ocapan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here