Home ENTERTAINMENT Shirley Kuan, nagsalita na sa pagbitiw kay Bea Alonzo

Shirley Kuan, nagsalita na sa pagbitiw kay Bea Alonzo

1
0

MANILA, Philippines – Nagsalita na si Shirley Kuan, dating manager ni Bea Alonzo, tungkol sa kanyang pagbibitiw bilang manager at sa mga alegasyong nakialam siya sa personal na buhay ng aktres.

Itinanggi ni Kuan na siya ang humadlang sa kasal nina Alonzo at businessman Vincent Co dahil ayaw niyang mawalan ng malaking kita mula sa aktres, na tinawag umano niyang “cash cow.”

Ayon kay Kuan, nagsumite siya ng resignation noong Agosto 11. Giit niya, hindi ito dahil hindi siya ipinagtanggol ni Alonzo matapos makansela ang Spanish wedding nito kay Co.

Noong Agosto 21, kinausap umano niya si Alonzo dahil patuloy ang mga batikos sa kanya kahit tapos na ang kanilang professional relationship.

“I feel that it’s time for me to tell the truth and defend myself. Kasi parang mali yung mga sinusulat na nagtampo ako kase di ako pinagtanggol. Nagmukha akong weakling, bakit ko hinihintay na ipagtanggol ako ni Bea. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko ko, but you have to know why,” ani Kuan.

Nang lumabas ang isang artikulong tinawag siyang “culprit” sa nakanselang kasal, agad umano niyang tinawagan si Alonzo. Sinabi ni Kuan na nakiusap ang aktres na huwag muna siyang magsalita upang hindi na lumaki ang isyu.

“Sabi ko, ‘We both know the truth, right?’ And sabi nya agad sa’kin, ‘Please SK (Kuan) promise me you won’t say anything. Kasi ayoko nang lumaki pa.”

Itinanggi rin ni Kuan na pinigilan niya ang kasal dahil mawawala ang malaking kita niya kay Alonzo.

“I find that very insulting. parang tingin nila sa akin pulubi, na parang pag wala na si Bea sa akin magugutom na ako.”

Aniya, mahigit 30 taon na siya sa showbiz at wala siyang rekord ng panghihingi ng pera o pandaraya sa talent fees ng kanyang mga artista.

“Bea did not make me rich, nor will she make me poor. So stop calling her my cash cow,” ani Kuan.

Sinabi rin ni Kuan na hindi niya sinisi si Alonzo sa mga nangyari dahil bagong kasal noon ang aktres at ayaw niyang sirain ang kaligayahan nito.

Nang magbitiw siya bilang manager, direkta umano niyang tinanong si Alonzo kung siya ba ang nagpakansela ng kasal. Itinanggi ito ng aktres.

“At any time kahit pabiro, did I tell you to cancel your wedding? Baka nakalimutan ko lang. Sabi nya, never,” ani Kuan.

Sinabi rin ni Kuan na mayroon siyang mga “receipts” o ebidensiya na susuporta sa kanyang mga pahayag.

Samantala, kinumpirma ng film producer at talent manager na si Chris Cahilig na siya muna ang hahawak sa public relations affairs ni Alonzo matapos ang resignation ni Kuan.

Ayon kay Cahilig, nilapitan siya nina Alonzo at Co upang pansamantalang asikasuhin ang professional affairs ng aktres.

Si Cahilig ay siya ring humahawak ng public relations ng Puregold, negosyo ng pamilya ni Co, at direktor ng independent film festival na Cinepanalo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here