MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na Pinay caregiver na pauwi na sana sa Pilipinas ang kabilang sa tatlong nasawi sa karambola ng tatlong sasakyan sa Taiwan noong Agosto 19.
Kinilala ang biktima na si Ebella Escolonia Cortes. Papunta siya sa airport sakay ng van kasama ang dalawa niyang Pilipinong employer nang mangyari ang aksidente.
Base sa mga ulat, huminto ang van sa highway matapos makasagian ang isang kotse. Habang nag-uusap sa labas ng kanilang sasakyan ang dalawang driver, sinalpok sila ng isa pang kotse.
Nasawi ang dalawang driver at si Cortes, na nasa loob ng van. Sugatan ngunit nakaligtas ang dalawa niyang kasama, gayundin ang driver ng sasakyang sumalpok sa kanila.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Manila Economic and Cultural Office at tiniyak na tutulungan ang pamilya. Nakikipag-ugnayan din ang MECO sa mga awtoridad sa Taiwan tungkol sa imbestigasyon at pagpapauwi sa mga labi ni Cortes.
Inaasahang maiuuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi sa Agosto 30. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi at posibleng pananagutan sa aksidente. Dave Medina