Home HOME BANNER STORY Kagutuman lumala sa M’danao; bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas

Kagutuman lumala sa M’danao; bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas

1
0

MANILA, Philippines — Bumaba sa 20.3% ang bahagi ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom at walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa June 2026 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mas mababa ito ng 2.9 percentage points kumpara sa 23.2% noong Marso. Gayunman, bahagya itong mas mataas sa 20.2% average noong 2025.

“The 2.9-point fall in hunger between March 2026 and June 2026 was due to decreases in Metro Manila, Balance Luzon, and the Visayas, even as hunger rose in Mindanao,” ayon sa SWS.

Pinakamataas ang hunger rate sa Mindanao sa 24%, mula 21.7% noong Marso. Sinundan ito ng Visayas sa 22.3%, Metro Manila sa 21%, at Balance Luzon sa 17.3%.

Bumaba ang hunger rate sa Visayas mula 28% tungong 22.3%; sa Balance Luzon mula 22.4% tungong 17.3%; at sa Metro Manila mula 22% tungong 21%.

Sa national figure, 15.8% ang nakaranas ng moderate hunger o pagkagutom nang minsan o ilang beses, habang 4.5% ang nakaranas ng severe hunger o madalas hanggang palaging pagkagutom.

Kapansin-pansin na kahit bumaba ang kabuuang hunger rate sa Metro Manila, tumaas ang severe hunger mula 6.7% tungong 8.3%.

Isinagawa ang non-commissioned survey mula Hunyo 20 hanggang 29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults—tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

May sampling error margin itong ±3% para sa national percentages at ±6% para sa bawat pangunahing rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here