Home METRO 13-anyos na inanod sa Baseco Beach, bangkay na nang matagpuan makalipas 1...

13-anyos na inanod sa Baseco Beach, bangkay na nang matagpuan makalipas 1 linggo

1
0

MANILA, Philippines — Natagpuan makalipas ang pitong araw ang labi ng 13-anyos na batang nawala habang naliligo sa Baseco Beach noong Agosto 15.

Nakita ng mga awtoridad ang labi noong Linggo ng gabi sa Navotas landfill, malapit sa hangganan ng Obando, Bulacan. Kinontak ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang pamilya upang kilalanin ito.

Ayon sa ulat, kasama ng bata ang isang kaibigan nang tangayin umano siya ng malalakas na alon dulot ng habagat. Nakaligtas ang kaniyang kasama.

Nagtulungan ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at MDRRMO sa paghahanap, ngunit nahirapan umano ang mga responder dahil sa malakas na agos.

Nailibing ang bata nitong Lunes. Sinagot ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang gastusin sa pagpapalibing at nagbigay din umano ng tulong pinansyal sa pamilya.

Nauna nang ipinaalala ng mga awtoridad na ipinagbabawal ang paglangoy sa Baseco Beach. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here