Home METRO 29 stude sa DavNor, naospital sa hinihinalang food poisoning

29 stude sa DavNor, naospital sa hinihinalang food poisoning

1
0

DAVAO DEL NORTE — Umabot sa 29 estudyante ng Tulalian National High School sa Santo Tomas ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng mga sintomas ng hinihinalang food poisoning.

Labingwalo sa kanila ang dinala sa Davao del Norte Hospital–Carmen Zone, apat sa Davao Regional Medical Center at isa sa pribadong ospital. Anim na estudyante naman ang pinauwi matapos mawala ang kanilang mga sintomas.

Naunang iniulat ng Santo Tomas Municipal Police Station na 31 estudyante ang dinala sa ospital matapos kumain ng “binignit” at uminom ng “gulaman” na ibinenta sa paaralan.

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng bleaching powder sa halip na asukal ang naihalo sa pagkain at inumin.

Hindi pa kumpirmado ang sanhi ng insidente habang hinihintay ng mga awtoridad ang resulta ng laboratory examination sa mga sample ng pagkain at inumin.

Nasa kustodiya ng pulisya ang tindera at posibleng maharap sa kaso, depende sa resulta ng imbestigasyon.

Iniulat ding sasagutin ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot ng mga estudyante. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here