Home NATIONWIDE Mga natawa sa payo ni PBBM na bumili ng balde at mag-impok...

Mga natawa sa payo ni PBBM na bumili ng balde at mag-impok ng tubig-ulan, niresbakan ng Malakanyang: kailangan po talaga natin ng balde-baldeng utak

1
0

MANILA, Philippines – Niresbakan ng Malakanyang ang mga kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinawanan lamang ang naging payo nito sa publiko na bumili ng balde at mangolekta ng tubig bago pa ang Super El Niño.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na sa halip na batikusin at tirahin ang payo ng Pangulo ay makabubuting bumili ang mga ito ng “balde at balde ng utak” para maintindihan ang plano ng Pangulo.

Tinukoy naman ni Castro si Vice President Sara Duterte sa nagtawa sa naging payo ng Pangulo kung saan sinabi ng Bise-Presidente sa publiko na wala nang maaasahan ang mga ito mula kay Pangulong Marcos.

Kamakailan ay pinayuhan ni Pangulong Marcos ang publiko na bumili na ng balde para gamitin sa pagkolekta ng tubig kung uulan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag bilang paghahanda sa Super El Niño.

“Hindi po ito pagkaniya-kaniya. Kung ito lang po ang nadinig na patungkol sa balde, ang mas maganda po, umupo sila at makinig. Sit down and listen kung ano ang sinasabi ng Pangulo,” ang winika ni Castro.

“Bakit iyong balde lang ang kanilang nakita at nadinig? Baka ang kailangan natin ngayon—hindi sa lahat ha, hindi ko po nila lahat. Ito ay patungkol sa mga obstructionists na walang makitang positibo sa mga ginagawa ng Pangulo. Sa mga obstructionists po itong sasabihin ko. Kailangan po talaga natin ng balde-baldeng utak para maintindihan ninyo po kung ano ang plano ng Pangulo,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni Castro na ang lahat ay kailangang magmasid, maging mapanuri, huwag puro negatibo dahil kapag negatibo aniya ay hindi matututo.

“So, kaya nga sabihin natin sa mga obstructionists, kung puwede lang bumili ng baldeng utak para maibigay sa inyo,” ang sinabi pa rin ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here