Home METRO Kelot, sinaksak sa ulo ng kainuman

Kelot, sinaksak sa ulo ng kainuman

1
0

ILOCOS SUR, Philippines – Isinugod sa ospital ang  21-anyos na lalaki matapos saksakin sa ulo ng kanyang nakaalitang kainuman sa bayan ng Cervantes ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Martes, Agosto 25.

Ayon sa Cervantes MPS, ang biktima ay residente ng naturang bayan samantalang ang suspek na nasa legal o hustong edad ay residente naman ng Mankayan, Benguet.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek at ang biktima kasama ang mga kaibigan nila ay nag-iinuman sa kanilang boarding house nang biglang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Nang uuwi na ang suspek kasama  ang isa sa mga kaibigan niya, biglang sinaksak ng suspek ang biktima ng dalawang beses.

Resulta nito, nagtamo ng stab wounds sa kanyang ulo ang biktima.

Matapos na saksakin ang biktima, agad na tumakas ang suspek.

Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here