Home NATIONWIDE ‘1-week duty, 2-weeks off’ schedule, itinanggi ng NCRPO

‘1-week duty, 2-weeks off’ schedule, itinanggi ng NCRPO

2
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kumakalat sa social media na ipatutupad nito ang “one-week duty, two-weeks off” na work arrangement para sa mga pulis sa Metro Manila.

Ayon sa NCRPO, nagmula ang pahayag sa isang Facebook post na may umano’y binagong larawan ng bagong officer in charge na si Brig. Gen. Christopher Abrahano.

“These reports are entirely false and do not reflect any officially implemented policy,” pahayag ng NCRPO.

Nilinaw din ng regional police office na nananatiling ipinatutupad ang mga umiiral na programa at polisiya para sa kapakanan at work arrangements ng mga tauhan.

Tiniyak ng NCRPO na nananatili ang maayos na police deployment at mabilis na pagtugon sa mga insidente sa buong Metro Manila.

Hinimok naman nito ang publiko at mga tauhan ng pulisya na umasa lamang sa mga opisyal na channel ng NCRPO para sa tamang impormasyon at huwag maniwala sa mga hindi beripikadong pahayag.

Si Abrahano ay itinalagang NCRPO officer in charge noong Linggo, kapalit ni Maj. Gen. Anthony Aberin, na umabot na sa mandatory retirement age na 56. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here