Home NATIONWIDE Edukasyon susi sa pagresolba ng problema sa basura, baha – Torre

Edukasyon susi sa pagresolba ng problema sa basura, baha – Torre

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre lll na target ng MMDA na palakasin ang aspeto ng edukasyon sa mga tao hinggil sa  tamang pagtatapon ng basura para mabawasan ang pagbaha sa  Metro Manila.

Sa ginanap na QC Journalist forum kanina sa Quezon City Agosto 25, (Martes)  naniniwala si Torre na ang kampanya para masolosyunan ang problema sa basura at pagbaha sa Kalakhang Maynila ang pagbibigay ng edukasyon sa mga tao para sa tamang pagtatapon ng basura.

“Ang pagbibigay ng tamang kaalaman  sa mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at desiplina para sa tamang pagtatapon ng  basura ang mabisang solusyon para malunasan ang pagbaha sa Metro Manila,” sabi ni Torre.

Ayon pa kay Torre bukod sa disiplina ay dapat dagdagan ang enforcement at infra projects para maibsan ang problema sa basura na siyang ugat ng pagbaha sa Metro.

“Nagtataka kami bakit tambak ang basura sa may Redemptorist sa may Baclaran, pinag-aaralan namin san yun galing..higit 100 trak ang nahakot naming basura dun” sabi ni Torre.

Kaugnay nito sinabi pa ni Torre na hindi na dapat magsisihan pa sa mga nangyari pero dapat ay maging aral ang ganitong mga insidente kung paano maiiwasan ang problema sa basura.

Sa katunayan anya, nasiyahan siya sa mga LGUs ng Metro Manila na naghayag ng kanila kanilang paraan kung paano ang ginagawa nilang waste disposal.

“Sabi ko nga walang sisihan pero lahat naman ng Lgus ay ginagawa ang lahat para maayos ang kanilang waste management programs” sabi pa ni Torre

Sa mga Lgus sa Metro Manila kinilala ni Torre ang mahusay na composting at MRF ng Pasig, QC, Paranaque, Pasay, Muntinlupa at Marikina.

Samantala nanawagan naman si Ochie Tolentino ng Ecowaste Coalition sa publiko na  bawasan ng 52 percent ang mga nabubulok na basura upang makaiwas sa tambak ng basura. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here