Home NATIONWIDE Comelec maaaring mangailangan ng dagdag pondo kung ma-postpone BSKE

Comelec maaaring mangailangan ng dagdag pondo kung ma-postpone BSKE

1
0

MANILA, Philippines – Maaaring mangailangan ng karagdagang pondo ang Commission on Elections (Comelec) kung hindi matuloy sa Nobyembre 2, 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, nasa ₱8 bilyon na ang nagastos ng Comelec mula sa ₱19.57 bilyong budget nito para sa paghahanda sa BSKE, kabilang ang pag-imprenta ng mga balota at iba pang election forms.

Kung maaantala ang halalan, sinabi ni Garcia na maaaring muling buksan ang voter registration sa Setyembre. Dahil dito, posibleng dumami ang mga botante at kailangan ding dagdagan ang mga presinto, gurong magsisilbi sa halalan at iba pang election paraphernalia.

Sa kabila ng panukalang pagpapaliban, nagpapatuloy ang paghahanda ng Comelec para sa halalan sa Nobyembre 2 at sinabi ni Garcia na nasa 90% na itong handa.

Nakatakda naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5.

May panukala si Senator Francis “Chiz” Escudero na gawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials at ilipat ang susunod na halalan sa 2028.

Dahil dito, hinimok ni Garcia ang Kongreso na linawin bago matapos ang Setyembre kung matutuloy o maaantala ang BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here