Home NATIONWIDE Higit 7.6M hagip ng Luis, Maymay, Neneng, at Habagat

Higit 7.6M hagip ng Luis, Maymay, Neneng, at Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Mahigit 7.6 milyon katao o tinatayang 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Tropical Cyclones Luis, Maymay at Neneng, pati ng Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Metro Manila at MIMAROPA.

Iniulat ng OCD ang 29 nasawi, 19 sugatan at tatlong nawawala dahil sa sama ng panahon. Pinakamaraming namatay sa Benguet na umabot sa 15.

May 8,624 pamilya o 29,547 katao namang nananatili sa 350 evacuation centers.

Nasa 2,700 bahay ang napinsala, kabilang ang 2,400 bahagyang nasira at 284 totally damaged. Tinatayang P5.1 bilyon naman ang pinsala sa imprastraktura, habang umabot sa P1.9 bilyon ang pinsala sa agrikultura.

Samantala, 102 lugar na ang isinailalim sa state of calamity, kabilang ang ilang lugar sa Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Rizal, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.

Ayon sa OCD, umabot na sa P1.37 bilyon ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here