Home ENTERTAINMENT Gov. Daniel, rumesbak sa nag-viral na interview!

Gov. Daniel, rumesbak sa nag-viral na interview!

1
0

Manila, Philippines – Trending ngayon sa socmed ang interview ng veteran commentator na si Ted Failon kay Bulacan Governor Daniel Fernando.

Ini-splice pa ng mga netizens ang parte ng interview kung saan sinabi ni Gov. Daniel na ‘wala siyang alam’ sa P41B worth of flood control projects ng Depratment of Public Works and Highways (DPWH).

“Wala talaga akong alam dahil sa totoo lang, kahit ako, e, nagtatanong kasama ng mga kababayan ko sa Bulacan kung nasaan na ‘yung sinasabi nila na P41B na flood control projects.

“Wag niyo sana ako husgahan dahil sa pagsasalita. Husgahan niyo ako sa akong ttabaho,” ang madamdaming pahayag ni Gov. Daniel.

For the record, isa ang probinsiya ng Bulacan sa mga lugar na naimbestigahan at nagkaroon ng ghost at substandard flood control projects ng DPWH.

“Wala akong kinalamab sa flood control projects na yan. Ang gusto ko ay maiayos ang kalagayan ng aking mga kababayan kaya ang kapitolyo mismo ng Bulacan ay may ilang mga proyekto para maibsan ang kahirapan ng aking mga kababayan sa baha pero kailangan pa rin namin ng suporta ng national government.

“Inuulit ko, hindi bakikipag-coordinate sa amin ang DPWH kaya nag-issue na ako ng directive na dapat na makipag-coordinate sa amin ang national government sa flood control projects na gagawin nila sa aking bayan,” explain pa ni Gov.

Inamin ni Gov. Daniel na nasaktan siya at na-offend sa mga pamba-bash at pang-iinsulto ng mga netizens sa kanyang pagkatao base lamang sa nag-viral na interview na yun.

“Hindi naman po ako siguro maihahhalal ng marami kong kababayan kung kami ay natutulog.

“Hindi po kami natutulog, sa totoo lang,” sabi pa ni Gov.

May mensahe pa si Gov. Daniel sa mga taga-media at vloggers na ang gusto lang ay magkaroon ng mataas na number of views at engagement sa socmed.

“Sa gitna ng ganitong sitwasyon, ang kailangan natin ngayon ay ethical journalism na naghahanap ng buong katotohanan!” JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here