Home NATIONWIDE Jinggoy natumba habang naliligo sa Quezon City Jail

Jinggoy natumba habang naliligo sa Quezon City Jail

2
0

MANILA, Philippines – Natumba si Senador Jinggoy Estrada habang naliligo sa loob ng New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 26.

Ayon sa ulat, naghahanda umano ang senador para sa nakatakdang X-ray procedure nang biglang lumagutok ang tuhod nito at hindi nakayanan ang matinding sakit.

Dahil dito ay nagresulta ito sa pagkatumba ng senador.

Posibleng maagang isagawa ang X-ray procedure ni Estrada sa Cardinal Santos Medical Center.

Pinayagan siyang lumabas ng Sandiganbayan para sa naturang medical procedure kaugnay ng kaniyang osteoarthritis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here