MANILA, Philippines – Nagpalitan ng opinyon sina Senator-judge Robin Padilla at Senador Bam Aquino sa isyu ng paggamit ng mga alyas sa recipients ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Sa ika-19 na araw ng impeachment trial ay tinanong kasi ni Padilla si si Office of the Vice President (OVP) Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio kung nararapat bang gumamit ng alyas kapag confidential funds ang pinag-uusapan.
Sinabi rin ni Padilla na ang mga bayani ay gumamit ng alyas at sagisag-panulat.

“Gusto ko lang ipaalam sa prosekusyon na napakahalaga ng alyas…ang confidential po, ang pagkilos, confidential, napakahalaga, at hindi po ginagamit ang pangalan, at hindi po pumipirma.”
Dagdag ni Robin, ito ay tila pagpapalabas ng prosekusyon na may mga nakakatawang pangalan, “eh mas nakakatawa ‘yong pangalan noong araw,” ani Padilla.

Hindi naman makapagpaliwanag ng sagot si prosecution panel Atty. Mae Divinagracia dahil sa patuloy na pagsingit ni Padilla at pagbabato ng mga pahayag sa paggamit ng alyas.
Samantala, iginiit naman ni Senator-judge Bam Aquino sa kaniyang interjection na hindi maihahambing ang paggamit ng alyas ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa usapin ng confidential funds.







