Home METRO 2 patay, 5 sugatan sa trak vs dyip sa Batangas City

2 patay, 5 sugatan sa trak vs dyip sa Batangas City

2
0

BATANGAS CITY — Dalawang katao ang nasawi habang lima ang sugatan matapos magbanggaan ang isang truck at pampasaherong jeepney sa Barangay Concepcion, Batangas City nitong Miyerkules, Agosto 26.

Ayon sa ulat ng Philippine Red Cross (PRC), rumesponde ang emergency medical team nito sa lugar dakong alas-12:55 ng tanghali.

Agad na binigyan ng pre-hospital care ang mga biktima, habang dalawa sa mga sugatan ang isinugod sa St. Camillus Hospital at Batangas Medical Center para sa agarang gamutan.

Isa sa mga pasyente ang pinaghihinalaang nagtamo ng fracture sa kaliwang tuhod, habang isa naman ang walang malay nang dalhin sa ospital.

Inalerto rin ng PRC ang Batangas welfare team nito upang magbigay ng karagdagang suporta at tulong sa mga biktima.

Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sugatan, gayundin ang sanhi ng banggaan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here