Home METRO “May tubig na”: Produksyon ng tubig sa SJDM tumaas ng 10.5%, reklamo...

“May tubig na”: Produksyon ng tubig sa SJDM tumaas ng 10.5%, reklamo bumaba matapos hawakan ng Metro Pacific

1
0

BULACAN, Philippines – Unti-unti nang gumiginhawa ang water system ng San Jose Del Monte, sa Bulacan. Sa loob ng wala pang 3 buwan mula nang hawakan ng Metro Pacific Bulacan Water o MPBW ang serbisyo, umakyat sa 135.19 million liters per day (MLD) ang average daily water production nitong Agosto. Ito ay 10.5% na mas mataas kumpara sa 122.36 MLD noong nasa PrimeWater pa.

Ito ay ayon sa ulat ng MPBW sa Water Forum noong Agosto 26 ,2026 sa pangunguna ni Mayor Florida “Ate Rida” Robes.

Sa nasabing water system, mas marami nang tubig kung saan tumaas ang produksyon sa Water Treatment Plants 1 at 2 mula 40 MLD hanggang 55 MLD.

Muling pinaandar din ang 3 deep wells sa Francisco Homes na nagbibigay ng 1,000 litro kada araw.

Nakapaglagay din ng 15 static water tanks sa mga apektadong lugar.

Naging mabilis din ang repair ng MPBW sa 600 sa 890 pipeline leaks  na minana sa dating operator.

Noong kasagsagan ng problema sa Hulyo, umaabot sa 12-14 chats kada minuto ang natatanggap nilang reklamo .Ngayon, 3-4 chats kada 2 minuto na lang — o 2,160 hanggang 2,880 chats kada araw.

Pinalawak din ang customer service sa 9 barangay clusters at mas mahabang hotline hours.

Nagde-deploy na rin ng hanggang 22 water tankers ang MPBW tuwing peak hours kung saan 110 biyahe kada araw at 770 cubic meters ng tubig ang naipamamahagi. Kasama pa ang 16 water trucks ng City Government.

Asahan din na isasagawa ang malawakang pipelaying works na mula Tanawin Water Reservoirs hanggang Igay Road sa Brgy. Sto. Cristo — dadagdag ito ng 15 MLD para sa 15,000 kabahayan sa upland barangays.  

Inihahanda rin ang 960-meter pipeline sa Minuyan Proper para sa Sapang Palay at United Minuyan.

“Alam nating marami pa tayong kailangang gawin. Ang mahalaga, nagsisimula na nating makita ang resulta. Patuloy nating babantayan hanggang mas maraming pamilya ang makaramdam ng pagbuti.” ani Mayor Robes.

Ayon naman kay MPBW President Andrew Pangilinan, patuloy ang rehabilitation at paghahanap ng bagong water sources para matugunan ang lumalaking pangangailangan ng lungsod.

Mula emergency response, lumilipat na sa tuloy-tuloy na rehabilitation ang water system ng SJDM na layong mas maraming tubig, mas maayos na serbisyo para sa bawat San Joseño. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here