Home NATIONWIDE Ombudsman, walang ebidensya vs Romualdez; pamemersonal ni Remulla sa kaso, kinuwestiyon

Ombudsman, walang ebidensya vs Romualdez; pamemersonal ni Remulla sa kaso, kinuwestiyon

1
0

MANILA, Philippines – Walang natitirang ebidensiya o “zero” ang kaso ng Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa isang public interest at human rights lawyer.

Sa  panayam, kinuwestiyon ni Atty. Antonio  Bucoy kung bakit pursigido pa rin si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsampa ng kaso laban kay Romualdez  sa kabila ng kawalan ng patunay, para sa abogado, tila pinipersonal na ito ng Ombudsman.

“Yung 25, lahat ito ay nagsabing gawa-gawa lamang at kathang isip ang alegasyon nila. So ngayon, ano ang natitirang ebidensiya laban kay Speaker Romualdez? Magaling tayo sa math, kahit mahina tayo sa math, anong sagot? Zero, wala na ho,” pahayag ni Bucoy.

Matatandaan na apat sa tinaguriang “maleta boys” ang bumawi ng kanilang testimonya at nilinis ang pangalan no Romualdez gayundin ang 25 dating tauhan ni  Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na umaming may sinundan lamang silang script para iugnay ang dating Speaker sa pagtanggap ng kickback.

Idinagdag pa ni Bucoy na walang kontratista o opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ang mga whistle-blower, mga district engineer ng Bulacan, si Usec. Roberto Bernardo, at si dating Secretary Manuel Bonoan ang nag-ugnay kay Romualdez sa kontrobersiya.

Ayon kay Bucoy, lumalabas na may personal na motibo si Remulla laban sa dating lider ng Kamara.

“Ang malinaw ho dito eh parang pinipersonal na niya si Romualdez. Hindi ko alam kung bakit niya iginigiit na si dating speaker Romualdez ay may pananagutan,” ani Bucoy, h

Binatikos din  nito ang “prejudgment” ng Ombudsman nang tawagin nitong mastermind si Romualdez bago pa man matapos ang preliminary investigation.

Kinuwestiyon din ni Bucoy ang biglang paglitaw ng pahayag ng Ombudsman na mayroon silang 28 testigo, na aniya ay kaduda-dudang tumutugma sa pahayag ng abogadong si Levito Baligod na mayroon pa itong 18 na bagong testigo.

“Ewan ko kung nagkataon lamang, na si Atty. Baligod nung nalaman niya na may bumaliktad na apat na maleta boys, sinabi niya, ah meron pa akong 18… Nataon naman na sinabi ni Ombudsman meron 28,” dagdag pa nito,.

Kapag naghain ng kaso ang Ombudsman sa kabila ng kakulangan ng patunay, iginiit ni Bucoy na dapat itong ibasura ng korte.

“Ang sagot ko ho ay hindi yes or no. Ang sagot ko po ay dapat. Yan ho ang naaayon sa batas ‘yan ang naaayon sa ebidensiya, at ‘yan ay naaayon kung ano ang tamang gawin.”pagtatapos pa ni Bucoy. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here