Home HOME BANNER STORY Rollback sa presyo ng petrolyo posible sa susunod na linggo

Rollback sa presyo ng petrolyo posible sa susunod na linggo

1
0

MANILA, Philippines — Posibleng makaranas ng bawas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene ang mga motorista sa susunod na linggo kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Batay sa oil trading mula Agosto 24 hanggang 26, maaaring bumaba ang presyo ng diesel at kerosene ng tinatayang P3.50 kada litro, habang nasa P1.10 kada litro naman ang gasolina.

Hindi pa ito pinal na rollback dahil maaari pang magbago ang halaga depende sa galaw ng international oil market at foreign exchange rate bago maglabas ng opisyal na abiso ang mga kumpanya ng langis.

Ang pagbaba sa world oil prices ay kasunod ng ilang araw na paghina ng crude prices habang tinataya ng mga trader ang epekto ng pinalawak na economic sanctions ng Estados Unidos laban sa Iran. Bumaba nang mahigit 3% ang presyo ng langis noong Agosto 25 bago muling bahagyang umakyat noong Agosto 27 dahil sa nagpapatuloy na geopolitical uncertainty.

Sakaling matuloy, mapuputol nito ang dalawang sunod na linggo ng oil price hikes sa bansa.

Noong Agosto 18, tumaas ng P2.49 kada litro ang gasolina, P3.84 ang diesel at P5.01 ang kerosene. Sinundan ito noong Agosto 25 ng dagdag na P1.08 sa gasolina, P2.31 sa diesel at P0.95 sa kerosene, batay sa datos ng Department of Energy.

Sa kabuuan, umakyat sa nakalipas na dalawang linggo ang presyo ng gasolina ng P3.57 kada litro, diesel ng P6.15 at kerosene ng P5.96.

Karaniwang naglalabas ng opisyal na price adjustment ang mga oil company tuwing Lunes bago ito ipatupad sa susunod na araw. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here