CAVITE — Hawak na ng pulisya ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen at kanilang apat na taong gulang na apo na pinagbabaril sa loob ng kanilang tahanan sa Indang, Cavite.
Batay sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), nangyari ang pamamaril noong gabi ng Agosto 25. Isang saksi umano ang nakakita sa dalawang lalaki na pumasok sa bahay bago nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.







