Home NATIONWIDE Sen. Go umayuda sa Masantol; ilang bayan sa Pampanga, baha pa rin

Sen. Go umayuda sa Masantol; ilang bayan sa Pampanga, baha pa rin

1
0
(via Cesar Morales)

PAMPANGA — Namahagi ng tulong si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Masantol, Pampanga nitong Huwebes, Agosto 27, habang nananatiling lubog sa tubig ang ilang bahagi ng lalawigan.

Sa inilabas na impormasyon kaugnay ng relief activity, tinatayang 750 benepisyaryo sa Masantol ang nabigyan ng tulong.

Bumisita rin si Go sa ilang bahagi ng San Simon, Apalit at Macabebe, kung saan nakita niya ang patuloy na epekto ng pagbaha sa mga residente at kabahayan. Namahagi rin umano siya ng tulong sa ilang residenteng kanyang nadaanan.

Kasama ng senador sa pagbisita ang aktor na si Philip Salvador.

Nananatiling malawak ang epekto ng pagbaha sa Pampanga. Batay sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council report noong Agosto 24, 253 barangay sa 16 local government units ang binaha, na nakaapekto sa mahigit isang milyong residente. Kabilang sa mga lugar na naiulat na binaha ang Masantol, Macabebe, San Simon at Apalit.

Nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang buong Pampanga mula Agosto 12 dahil sa malawakang pagbaha at pinsalang dulot ng pinalakas na Habagat at magkakasunod na sama ng panahon.

Patuloy naman ang relief operations ng national at local government agencies para sa mga pamilyang hindi pa makabalik sa normal na pamumuhay dahil sa baha. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here