MANILA, Philippines – KALABOSO ang isang babae na nakilalang si alyas Aiza matapos tangkaing magpuslit umano ng iligal na droga na nakasilid sa plastic container na naglalaman ng pagkain.
Photo by Eric OcapanPhoto by Eric OcapanPhoto by Eric Ocapan
Ito ay kasabay ng pagdalaw nito sa kanyang live-in partner na nakakulong sa custodial facility ng Makati headquarters nitong Huwebes, Agosto 27.
Nahaharap ang babae sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. RNT