Home NATIONWIDE PBBM nagdadalamhati sa pagkamatay ng aide-de-camp

PBBM nagdadalamhati sa pagkamatay ng aide-de-camp

1
0

MANILA, Philippines – NAGLULUKSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkamatay ng kanyang Aide-de-Camp na si Maj. Joshua Santiago.

Sa Facebook post ng Pangulo, inilarawan niya si Major Santiago bilang isang matapang na sundalo na lumaban para sa bansa ng buong dedikasyon at dangal.

Sa panahon aniya ng kasa-kasama niya ito bilang kanyang Aide-de-Camp ay kanyang nakilala kung gaano ito katapang bilang isang matapang na sundalo, isang opisyal na maaasahan at higit sa lahat, isang mabuting tao.

Kasama aniya niya ang kanyang buong pamilya sa pananalangin para sa pamilya ni Major Santiago at sa mga kapwa niya sundalo.

Kaya ang mensahe ng Pangulo sa kanyang Aide-de-Camp na tinawag niyang Jam, isang malaking karangalan na nakasama niya ito at nasa kanyang tabi. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here