Home ENTERTAINMENT Alex, nanganak na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alex, nanganak na!August 28, 2026 15:3110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakakaintriga ang social media post ni Alex Gonzaga nitong August 25, dakong alas nuwebe ng gabi.May implikasyon kasi na nanganak na siya sa panganay nila ni Mikee Morada.Sa apat na litrato na ipinost niya, inilantad niya ang kanyang tiyan.Kalakip ang caption na: “I’II miss carrying you inside my tummy, my baby. It was like having our own little world. Thank you, Jesus!”Bagama’t hindi siya nagbigay ng anumang detalye, namutiktik ng mga mensahe ang post na ‘yon.A netizen commented: “That means nanganak na siya!”Isa naman ang nag-post na: “Nanganak na siya, 1st week of August pa.”Mukhang base ito sa August 7 post ni Alex na: “In my mommy era. Thank you, Jesus, for allowing me to experience the beautiful gift of motherhood.”Pero nitong August 12 ay nag-post siya ng gallery of photos mula sa kanyang maternity shoot.Sa caption, gumamit si Alex ng salitang “soon” pertaining to her delivery — meaning, hindi pa siya nakakapanganak.To play safe, isang netizen ang nagsabing baka nagle-labor na siya.Nagkaroon man ng sari-saring interpretasyon ang post ni Alex, isa lang ang tiyak–inaabangan ang pagsilang niya ng anak.Baka as this story comes out ay kinumpirna na ni Alex na isa na siyang ganap na ina.Congrats, Alex! Ronnie Carrasco III