Home NATIONWIDE Prosekusyon ‘di takot kay Col. Lachica bilang hostile witness sa impeachment trial...

Prosekusyon ‘di takot kay Col. Lachica bilang hostile witness sa impeachment trial – Barbers

1
0

MANILA, Philippines – Hindi natatakot ang House prosecution team na harapin at isailalim sa direct at cross examination si Army Col. Raymund Dante P. Lachica, ang chief security officer ni Vice President Sara Duterte na siyang gumawa ng milyong confidential funds, sakaling desisyunan ng panel na ipatawag itong testigo.

“Hindi takot ang prosecution kay Col. Lachica. We are still assessing the evidentiary value of the statement that will come from him, if it is still necessary for the prosecution. At this point in time, hindi pa namin kailangan,” ani Barbers.

Ani Barbers na siyang adviser at spokesman ng prosecution team na mayroon nang mga sinumpaang salaysay ang prosekusyon mula sa tatlong pangunahing saksi, ang dating OVP Special Disbursing Officer na si Gina Acosta, dating DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda, at OVP Assistant Secretary for Administration and Finance Lemuel Ortunio.

Aniya, ang mga naunang testimonya ng tatlo ay nakatala na at nagsisilbing matibay na pundasyon ng ebidensiya sa iregularidad sa pag-disburse at pag-liquidate ng ₱612.5 milyong confidential funds ng OVP at DepEd.

“Eh, yung Col. Lachica, hindi namin narinig. Eh, ba’t namin siya patatawag? It’s going to be a risk for the prosecution,” paliwanag ni Barbers, sabay tukoy na hindi pa nila napapakinggan ang direktang pahayag nito kaya posibleng maging peligroso kung tatawagin ito nang walang kasiguruhan sa isasagot.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi ito nangangahulugang kaya nitong baliktarin ang kaso kundi maaaring magpasok lamang ito ng mga bagong pahayag na hindi pa nasusuri ng panel.

Sinabi ni Barbers na sakaling dalhin ng depensa si Lachica sa witness stand, nakahanda ang prosekusyon na i-cross-examine ito.

“Hindi kami natatakot kay Col. Lachica,” giit niya.

“If Lachica’s testimony contains relevant information, the prosecution will address it; if it does not, the panel will rely on the evidence already established on record,” pagtatapos ni Barbers.

Matatandaang ibinunyag sa paglilitis ni Acosta na ang ₱500 milyong confidential funds na ibinaba sa apat na tranches ay ibinigay kay Col. Lachica na hindi bonded at hindi empleyado ng OVP sa direktang utos ni VP Duterte para sa implementasyon ng mga aktibidad sa paggamit ng confidential funds.

Samantala, si Fajarda naman na nakatakdang sumalang sa paglilitis noong Agosto 24–26 ay nakaranas ng stroke at pinayuhan ng mga doktor sa Senado na magpahinga ng dalawang linggo. Inaasahan siyang humarap sa Setyembre 7, batay sa clearance ng doktor. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here