Home HOME BANNER STORY Estudyante natagpuang patay sa loob ng campus sa Makati

Estudyante natagpuang patay sa loob ng campus sa Makati

2
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay ang isang estudyante sa loob ng campus ng University of Makati (UMak).

Sa pahayag nitong Biyernes, Agosto 28, sinabi ng unibersidad na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng estudyante at mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.

“We extend our heartfelt sympathies to the student’s family and loved ones during this difficult time,” ayon sa UMak.

Sinabi pa ng unibersidad na palagi silang nakahanda naman ang guidance counselors, trained faculty members, at staff para magbigay ng suporta at psychological first aid sa mga miyembro ng UMak na nangangailangan ng tulong.

“We kindly ask the community to respect the family’s privacy by refraining from spreading speculative details and by upholding compassion across all platforms.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here