Home ENTERTAINMENT Pacman, nagbigay ng 1K USD sa driver!

Pacman, nagbigay ng 1K USD sa driver!

1
0

Manila, Philippines – Higit pa sa tuwa ang lumukob sa isang driver sa biyayang natanggap mula kay Manny Pacquiao.

Nag-vlog si Pacman at nakaposte sa Instagram.

Aniya, on the way siya sa kanyang opisina–ang Manny Pay–sa Chino Roces Avenue sa Makati City.

Manny wouldn’t ride his own car, at sa halip ay pupunta doon via Tara Ride, isang app para sa transport service na puwedeng kontakin gamit ang cellphone.

Sa loob-loob ni Pacman, ang unang driver daw na masasakyan niya’y pagkakalooban niya ng pera.

Take note, not in Philippine peso kundi US dollars!

Ipinakita nga ni Manny ang hawak niyang tigwa-US$100.

Willing daw siyang magbigay ng US$1K.

Habang nasa loob ng sasakyan, inalam ni Manny kung magkano ang inabot ng kanyang biyahe.

Mahigit P100 lang ‘yon–P110 to be exact.

Ang inabot ni Manny sa driver ay isanlibong dolyar!

Natuwa naman ang nagpasalamat na driver sa natanggap na blessing.

Bale ba, hindi pa boundary ang masuwerteng driver.

Sana ol! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here