Home NATIONWIDE Container van sa tabi ng Taguig Hall of Justice ‘di pag-aari ng...

Container van sa tabi ng Taguig Hall of Justice ‘di pag-aari ng korte – SC

2
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Hindi pag-aari ng Korte ang mga container van na nag-viral at binatikos ng netizens bilang “horror movie set.”

Nilinaw ng Korte Suprema na ang mga kalawangin at sirang container van ay nasa tabi lang ng Taguig City Hall of Justice.

Ginagamit ito bilang satellite office ng Taguig City Traffic Management Office, hindi ng hudikatura.

Ito ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting kasunod ng pagkalat online ng mga larawan na akala ng marami ay bahagi ng court complex.

Paalala ni Atty. Ting sa publiko, tiyakin muna na galing sa official sources ang impormasyon bago i-share o i-repost lalo na kung tungkol sa mga pasilidad ng korte at operasyon ng hudikatura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here