Home NATIONWIDE PH, UK nagsimula nang mag-usap sa panukalang visiting forces agreement

PH, UK nagsimula nang mag-usap sa panukalang visiting forces agreement

1
0

MANILA, Philippines – NAGSIMULA na ang pormal na negosasyon ng Pilipinas at United Kingdom para sa panukalang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA).

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of National Defense (DND) na ang first round ng negosasyon ay isinagawa, araw ng Huwebes, Agosto 27 habang kapuwa hangad ng Maynila at London na palakasin ang defense cooperation at interoperability sa pagitan ng kanilang armed forces.

Ang Philippine panel ay pinangunahan ni DND Undersecretary for Acquisition and Resource Management Salvador Melchor B. Mison Jr., habang ang UK panel naman ay pinamunuan ng Ministry of Defence Indo-Pacific head Amy Senior.

“We appreciate UK’s unqualified support as a like-minded partner in upholding the rules-based international order and preserving freedoms ensured by the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon kay Mison.

Nakatuon ang pag-uusap sa pagpapahusay ng strategic defense initiatives at interoperability sa pagitan ng armed forces ng Pilipinas at British.

Para sa DND, ang pag-uusap ay sumasalamin sa ‘shared commitment’ ng dalawang bansa para i-promote ang regional peace and security sa pamamagitan ng rule of law, partikular sa gitna ng tumataas na complex security challenges sa Indo-Pacific.

Ang Visiting Forces Agreement ay isang kasunduan sa pagitan ng United States (US) at Pilipinas para makapasok muli ang mga puwersang militar ng Amerika matapos mapatalsik ang mga base militar nito sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales noong 1991 sa pagtatapos ng Military Bases Agreement.

Ang mga bansang may visiting forces pact sa Pilipinas ay Estados Unidos, Australia, Japan, New Zealand, Canada, at France. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here